Tagas

Tagas

Yung umaagos na tagas, saluhin mo ng basahan
O kahit anong pangsalo – tabo, mangkok, kahit anong malalim dyan.
Kapag tigmak na yung basahan, ilabas mo at pigaan
Sa CR? O sige, pwede rin diyan
Tapos ibalik mo agad kasi uulan pa yan
Huwag kang mag-alala, patapos na ang buwan
At sa November, wala na yan.

Buhay remedyo —

Kasi mahal bumili ng bago
Kasi magastos kung ipapagawa ito
Kasi makalat kung ngayon na aayusin ‘to.

Ang Pagdilat ay Di Lamang sa Mata

Minsan,
iniisip ko
nakikita mo pa ba ako?
Maaaring natatakpan ang anyo
ng mga matang malamlam.
Larawang kulang sa flash.

Minsan,
dinadama ko
ang mga kamay na mainit
sa aking mga palad.
Mula sa palad, pataas sa mga matang
bigla yatang nanlamig
nananaliksik, naglilihim, nanguusig.
Habang ako’y nilalamon
ng putikang gumon.
Bumubuhay ng takot
dumidilig ng hibi
ng mga di makatotohanang pakiwari
di makalusong sa ilog na ga binti.

Minsan,
nagpalaya ako
ng isang pakpak
na sana’y aking tanging agimat
sa ganito’y nasadlak.
Naipit sa taong ayaw bang magpalipad?

Minsan,
naitatanong ko
kung maaari bang bumangon sa pagkakalugmok?
Sa balon na iniwan
maaari bang muling sumalok?
Sa hardin na minsan ay tinamnan
ng katiting na makahiya
sana maaari pang pumasok.
Para madagdagan ko pa
ng rosas, sampaguita at yellow bell.
Mga halaman na aking ililipat palayo
sa ilog na mapanibugho.

Gaya nila (ng mga bulaklak) nais ko ring magkaroon
ng isip na mapayapa
maparam ang mga ingay sa king isip,
ng dumadaloy na ilog.
Ma kalma ang sigaw ng isang taong
pilit kong inililigtas sa pagkalunod.

Minsan,
iniisip ko
baka ako ang nalulunod
sa ilog na may malalim na putikan.
Nalulunod habang lumulubog
ako ba ay iyong tutulungan?

Lumapit ka muna, please?
at ako ay pakinggan.

Ang puno ay hindi aalis.
ang mga sangang iyan, bukas
iyan ay sanga pa rin
at sa buong sangtaon, sigurado ako
my isang araw na maglalaan ito ng lilim
at IKAW lang ang pwedeng sumilong.
Papayungan mula sa malamig, makulit na ambon
tatakpan ang mga tainga mula sa mahapding kulog.
(mga pangakong matayog ang lipad
sana matupad pagkat masakit masadsad.
walang imposible, di ba?
magkakatotoo ito, hindi magluluwat)

Minsan,
gagawin nitong puno
ang lahat ng ito
kung ikaw ay magi stay
at huwag tatakbo.
Maliit man at kulang sa lilim
minsan natatakpan pa ng mga punong
sobra sa vitamins.
Bahagyang makita sa larawan
ang anyo ng mata (at pusong) malamlam
Larawang kulang sa flash.

Obsessed, often, over you

I
stammer the words
like waters paddled over an
overflowing river
from out of my mouth
which seeks to crawl
through and above your skin
and taste how your sweat
and your hundred peso worth
of cosmetic scent
creates a flavor that
will play
in my
tongue
as I
often
obsess
over
you

I often
wonder how the cold cement wall
melts as you lazily, sensually
tilts your body near a frigid
wall that your fire-tipped
soul razes, engulfs in a
heartbeat and how I
would melt freely,
pouring, merging
in thick fluid
whirlpool
dancing
in between
sleep and
being awake and
obsess
over
you

I often obsess
with taming imaginings constructed on
wall-less rooms filled only of crumpled
bed sheets, big pillows, warm chocolate
bitching rain and seeing your skin
appear and disappear
amorphous and flirting
with the landscape of sheets
of cloth that rise and fall
without measure rhyme or
reason, just following the lead
of your curled being
as I sit on a chair, not far away
far from
being
over
you

I often obsess over
the fact that you are the most seductive ghost
when I dream, the only welcome visitor in
the blurry, static-noise-fed wonderland
I created in my time of self imposed
solitude, when I hear my voice
scream in delirious high as
you rip the skin of my
pretensions clean,
raw and bloodied,
blessed by
a power I do not
wield, that is, to say
my thoughts are
not of
you

before I realized that
I
often
obsess
over
you
.

Butterfly Dancer

You speak softly, like tongues of sleeping angels
And cradled in your loving arms
The beauty that drives the cold rain away
Heavy from my shoulders, till the sun
That is you sprinkled warmth
Between cupped hands and closed eyes
And wings that made you fly
Dancing like the butterflies.

And in the silence of your pretty eyes
Lay the landscapes of beautiful sunrises and sunsets
And of morning dews that hung on a leaf’s
One last breath…

Shores hold up the mortal waves of white and blue
Brought about by your subdued silence
You are the star that never leaves the night sky
And in beholding you, the ethereal bliss never cease to subside
Surely, not even the most tender hands can justify, holding
The overpowering fragility of a face through mortal fingers
That which gave magic to dreams long dead

…and surely it is sad
to see you fly away.

Patay Na Ang Pusa Sa Ilalim Ng Bangkito

Patay na ang pusa sa ilalim ng bangkito, pero – walang gustong gumalaw para ilibing ang kawawang kutingat dalhin sa kanyang huling hantungan ang pusa na namatay ng walang pangalan.

Sa kanyang burol na walang kabaong, tanginglilim lamang ng kiling na bangkito mula sa manaka-nakang ambon ngayong madaling araw ng Hulyo(ang pagkabinyag sa pusang pumanaw sa pagsasara ng buhay na mas makulimlim pa sa langit na nagbabadya ng bagyo).

Masarap ang higop na sabaw ng mga taong nakikiuposa kanyang nakatikwang na himlayang hindi na siya hinintay maihiga pa.At kahit ang mga paa ng mga estranghero (silang nakapikit sa dilim at sa init ng lugaw at sabaw ng sinigang)walang tapang o lakas o pakialam man lamang na kahit sipain man lang ang kuting

…kahit sa kanal o sa daspan, o ihagis sa latang bubungan.

Patay na ang pusang binalot sa kumot ng katahimikanat pagsasawalang kibo…

…tikom sa lihim na pagpisil sa sugat na kailanman ay hindi mag aampat, hindi titigil sa pagdurugo.

Ipinta mo ang malungkot na kulay ng madaling araw

There Is Darkness In The Dying Dusk2

May sulok ba ang langit para sa matang maaaring dumilat sa bagong pangako ng pag-asa
o gaya ng bawat pula’t dilaw na hibla ng pasikat na araw, sasabog sa isanlibong himaymay ang mukha na tanging naging alaala ng sandaling hingal sa hindi masukat, nakakabulol na ligaya

at walang matitira – kaluluwa, hiya, pag-ibig at gunita – sa mga kamay na bukas ngunit
simula ngayon hindi na muli pa magiging malaya.

Hihilahin ko sa bawat lilim na bulag sa malungkot na mukhang guhit ng araw na bagong gising, ang bawat alaalang may bahid ng mga titik na ibinulong sa bawat pagitan ng naghahabulan ng hininga – sa bawat mariin na pagbigkas ng aking pangalan, at ikaw, ang tangi at nagiisang sinasamba ng katawan, ng puso, ng bawat sulok ng kalamnang may nanginginig na kaluluwang handang gawin ang lahat para lamang sa habangbuhay na pagkakapinid sa mga matang sana, sana lang
ako, at tanging ako lang ang nakikitang nakaguhit,
sa bawat maaalalang kulay ng ayaw na matulog na magdamag.

Isasayaw kita, pangako, sa tono, tyempo, ritmo, liriko ng sipol at sikad, ungol, hiyaw at tahimik na hagikhik, hintayin lang natin ang himig ng sinabi mong hindi huwad na pag-ibig na gumigising sa pinagod, tulog ko pang isipan at kaluluwang naghahabol pa ng hininga mula sa bawat paghagod, pagkiskis, pagdampi’t pagdaiti sa,…

…teka, sandali!

Saan ka pupunta? Hindi mo ba ako naririnig? Hindi ba ramdam ng iyong mga paa ang basang lupa na dinilig ng luhang hindi kayang hawakan at pigilin ang iyong aninong unti-unting lumalayo, nawawala, nangungupas, makulimlim na ang langit na bumabalot sa iyo na dahan dahang hinigop at nilusaw ng pagnanais na muling maging malaya mula sa tanikala man o bigkis na ikaw din ang nagtali sa ating dalawa sa pangakong kahit kamatayan man ng makailang ulit ay hindi sapat para gumising akong nagiisa at sasalubungin ang pagniniig ng araw at sahig ng daigdig ng unang sandali ng muling pagkakamulat sa mundong kulang sa kabahagi simula nuong naisip mo

na ang taning sapat lamang sa iyo ay iyong hindi mauupos,
hindi magkukulang,
habangbuhay na umaapaw,
apoy man sa init na laging nakalawit ang dila sa hanging naabo bago pa man mapaso;
o tubig na malakas ang paghampas sa dalampasigang binabagyo ng sigwa sa galit, ngitngit – hinubaran
ng iyong hindi matatawarang kalibugan.

At ikaw pa din ang nasa isip at naaalala kahit nasa huling tatlong bilang na sa paglaglag sa parating, rumaragasa, walang habag at patawad na pagduyan sa malamig na kandungan ng una’t huling halik at sakmal ng walang mukhang Kamatayan.

(Na hanggang sa kanya, tanging pangalan mo ang laman ng hibi, na bago tuluyang dumating ang gabi, isang huling hiling ng taong iniluwal sa lupa, gawa sa putik, nakatanghod sa abuhin na kumot ng namatay na bulalakaw,
maaari ba, sana, para sa akin man lang, isang huling paalam –
ipinta mo ang malungkot na kulay ng aking lumuluhang madaling araw.

Dahil Tinatanong Mo Kung Ano Ang Iniisip Ko Tuwing Aalis Ka

(Hindi mahalaga kung saan ka pupunta,
kung paano makakarating.

Ang mahirap ay ang hindi makatingin lampas sa sakit ng bawat hakbang

palabas ng pinto
pagsimula ng bugso
palayo

sa kung nasaan ako ngayon, pero
hindi sa aking puso.

Dahil hindi mapaghihiwalay
kahit pagitnaan ng malamig na turnstile
ng mahabang riles na maghahatid sa iyo

ang riles na siya rin na magbabalik sa iyo.

Dahil alam ko na aalis ka lang, hindi mawawala
dahil naniniwala ako na ang lahat ng paglalakbay, nagbabalik sa simula
at sa pagitan ng ngiti at hibi, lungkot at tuwa
ang nag-iisang tulay buhol-buhol na luha.

Sa paglisan, may pangako ng pagbabalik, ngunit bakit

ang bilis ng usad ng tren sa ngiping bakal, ganito
ang sagitsit ng lula
mula sa bintana, nabe-blur ang tuwa.

Kung totoong bilog ang mundo, sana
pagkatapos ng paglalakbay mo ay magbabalik ka muli
sa piling ko.

Kahit ang ibig sabihin pa nito’y
kailangan ko na pagdugtungin
ang simula at dulo ng riles
ng tren na sinasakyan mo)

Ito ang lahat ng lihim
ng tikom kong bibig
ng mga luhang pigil
ng paalam na kaya mong simulan
pero hindi ko kayang tapusin.

Somewhere behind the magic of a twilight’s time

Somewhere behind the magic of a twilight’s time
Cloaked behind a thin veil where your eyes can’t see through
Though you’ll make out the silhouette forming, like mists
A fantastic place hidden away in the realms of your memory
Where there will always be a picture that will never age.

Somewhere behind the magic of a twilight’s time
A distant sound will flutter around
Laughter, trapped in a time and space only we can find
Hummed in a rhythm only we can recognize
A remnant of what was once a reality, now a memory
Echoing gently with the beating of our hearts.

And long after we have parted to hurry off (eager to grow)
We will come back to these places and spaces again and again
Where dragonflies play on our apple cut hair
Where the grass is damp and the wild flowers wave back
Where the sun wakes from the cradle of the horizon
Where nothing is in front of us or behind
When today is neither the past, the present nor the future
Only now and this moment
Only us.

In a world where we will drift away
A world that we will always find
Hidden quietly, softly, lovingly
Between the moments as we close our eyes
Somewhere behind the magic
Of a twilight’s time.

Muli

Kailan tayo magsisimula, paano ba tayo tatayo?
Ngayong madulas ang lupa sa bawat patak ng luha, mainit ang umaagos na dugo
mula sa ating mga pusong sugatan at ayaw ng lumaban pa
ayaw nang umibig pa ayaw nang mabuhay pa.
Pero ako’y nandito hanggang ngayon, umaasa

Bakit nga ba sa huli tayo ay lilingon ng may pagsisi
pagamin sa mga kasalanang noon ay hindi natin maamin at masabi
pero ngayon aaminin ko na, aakuin ko na
yayakapin ng buong buo ang bawat naghihintay na parusa

Gusto kong maakita ka, mayakap ka, ibigin kang muli
Ang bahay na ito ay hindi tatayo kung tanging ang hari lang ang laman,
Nasaan ang reyna sa malamig na tulugan?
Hahanapin ko ang kulang at pilit sanang pupunuan.

Kung ito ang dahilang para ikaw ay magbalik
Wala akong ibang hinihiling ngayon kundi ang mabuong muli
Ang pag ibig na alam kong magtatagal, tagos hanggang kamatayan
Maubos man ang buhay ko, ikaw lang ang nagiisa at tanging laman
Ng puso at damdamin, sa salita man at sa gawa.
Kung may pag asa pa, sana, huwag mo akong itali sa kadenang tanikala

Kung ang galit mo ay kulog at bagyo hayaan mong sumabog ang pait
isigaw mo sa mukha ko ang bawat salita
na bumibiyak sa hangin sa matalim na sagitsit
sa bawat larawan ng kasalanan na nananakit sa yo
at dinudurog ang iyong pusong napupunit

kung babaha ng pasakit hayaan mong malunod ako
at kahit hindi ka man maawa hindi awa ang gusto ko
kundi ang bukas na puso mo at mata, na wala ng patong patong na piring
hindi na takot makita kung ano ka, ano ako, at ano ang pwedeng maging tayo
lakbayin man ang kabilang daigdig, kahit sa kabilang buhay maghihintay ako

Hindi laging ikaw ang mali
at alam ko hindi ako ang laging tama
at sa gitna ng digmaang ito kapwa tayo napipinsala,
duguan, sugatan, tumatawid sa tulay ng kamatayan
pero bakit sa ating pag gising nasa magkabilang dulo tayo
nitong marupok na kawayan?

Ang mga tanong ay mahaba, isinumpa sa sukdulan
Hindi ko makita ang sagot, sa piling ng tahimik na unan
na nakatago sa dilim, sa isang sulok walang liwanag
walang katumbas ang ligaya kung babalik ka
sukatin sa ginto man o pilak

andami kong gustong sabihin, at alam ko lahat ng ito ay para sa iyo
andami kong gustong gawin, at sa bawat isa ikaw lang ang inspirasyon ko
marami akong pinanghihinayangan dahil alam ko ang mga ito ay nasayang
dahil parehong matigas ang ulo natin at akala natin hindi tayo masasaktan

Hindi ko alam kung kaya ko pa magmamahal ng ganito
Katulad ng kung paano kita sinamba at ginawang sentro ng buhay ko
Maraming gabi ang dumadaan, minamadali na dumating ang bukas
At sa pag sikat ng bagong araw humihingi ang katawan ng panibagong lakas

Para mabuhay ng mag isa ng wala ka sa tabi ko, kung kaya ko
At simulang buuin ang pusong nadurog sa paglisan mo, kung pwede to
Pero hindi ako makatayo, hindi man lang makabangon
Narito ang punyal sa dibdib ko, kung saan mo iniwan at binaon

Kahit anong panaginip, ang isip sa iyo pa rin bumabalik
Kahit anong wasiwas, ang puso ko sa yo lang gusto sumiksik
Kung hindi man ako makatayo, paluhod akong lalapit sa iyo
Para muli, sana magkasama tayo, ngayon ikaw na lang at ako

Hindi ako perpekto pero lahat pwede kong subukan
haharap kahit sa dilubyo maisuka lang itong mapait na kabiguan
na pumipigil sa akin para ako’y makatayo
Mula sa isang hakbang na parang isang malaking talon papalayo
At papalapit sa yo, at sasabihin ko

Na hindi lang ako ang nagkulang
Hindi lang ikaw ang nasaktan
Hindi lang ako ang iniwanan
at hindi lang ikaw ang taimtim na nagdasal
na sana sa wakas nakaraan ay ating maibabalik,
marinig ni bathala ang tanging hiling ng puso na ihinimlay ng pasakit

hanggang kailan,hanggang saan, ilang bukas ang kailangang dumaan?
ilang araw sa ilalim ng tag init, ilang gabi na kayakap ang malamig na ulan?
Gaanong kalayo, gaanong kalalim gaanong kahapdi ang sugat na itinanim
Anong hirap ang pagdadaanan pa, sa anong subok mapapasailalim

Maghihintay, magdadasal, mag-aabang, mangangarap
Iguguhit ang iyong mukha sa pisngi nitong asul na ulap
At dahil ikaw lang ang wagas, bukod tangi at nag iisang langit
Wala akong hindi pwedeng ipagpalit sa ngalan ng ating pag ibig
hanggang sa muli

This Ship Has Sailed in Silence

Severus_Snape

This ship has sailed in silence, its subset sacrifice
and none but few or one knew.
Stoic and sans shiver scurried along a straight line seen slither
but not in the seam of the seer and he, seen as the shrewd serpenter.

Sneered, smeared but in sincerity a soul of now but a specter, a shadow shackled.
Spewed his evil essence while his eternal, undying love suppressed
scorned and squandered and never truly sincerely spoken.

Send a supple stag storming!
Secure a subdued and still hero from becoming
slaughtered by spirits neither dead nor living
it was all in the end that true light was shining.

This ship has sailed in silence, its subset sacrifice
and none but few or one knew.
Stoic and sans shiver scurried along a straight line seen slither
but not in the seam of the seer and he, seen as the shameless saboteur
seditionist, slanderer, spy, snake.

Sorrow is a secluded sacred stashed somewhere safely,
a star forever sought standing from his planet, starved yet serenely
spinning in stand still, as a sojourn begins a soldier marches on, steadfast
and sword in hand – shorter and not even sharp and yet
smothers the life of he who shares a secret sealed in fire
scorching, smoldering, a sea of flames searing.

The supreme act of selflessness strung to a sordid end, and few
can truly surmise much less sing, the strongest spirit of all,
who even when saddled was steady and strong
a ship that has sailed in silence, sunk weighed down on starboard
the sun setting was the sight from the bow.

So long, steward seen as standing stolid save for spears he stabbed himself with
To save the savior is to step up spirited and staid toward one’s own squalid grave.
Struck by spur of spiteful sin and spleen, see here now, sanguinary.
Stripped to his sheepish self sits the sincere and slighted saint, sanctify thee,
and in sepulture sing him a somber, solemn symphony!

 

Putang Ina Ka Miss, Nakaka-badtrip ka.

Putang ina ka miss, nakaka badtrip ka
At dahil sa iyo nakagawa ako ng tula
buti walang emcee sa LRT kanina kung hindi, fi-fliptop-in na kita
pero lugi ako sa laban ng basagan, basag na kasi ang iyong mukha.

Siksikan sa LRT in case you didn’t know
Kung ngayon ka lang nagising after 100 years naiintindihan ko ang kamangmangan mo.

Ikaw siguro si Sleeping Beauty, hindi, si Sleeping Ugly pala
Bumalik ka na lang sa baul mo kung ima-match mo sa mukha mo ang ugali mo at kung paano ka umasta!

Hindi porke’t babae ka lisensyado ka na mag-inaso
Mag head stand ka minsan para yang utak na stuck sa maliit mong suso, bumalik sa ulo mo.

Kung ganyan ka ka-tanga, may suggestion ako
Mag taxi ka para di ka na masagi at para iyong-iyo ang mundo

O kaya dun ka sa ‘For Women Only’ pumila, boba. First time mo ba dito?
O kaya papagawan kita ng special section dito para dun itambak ang mga hambog, inutil, feeling beautiful at asshole na katulad mo, gago!
O kaya humanap ka ng genie at mag wish ka ng powers
yung tipong makakagawa ka ng forcefield so no one can touch you and yours.
Tama lang, because with that you are doing this world a favor.

Yang ganyang kahangalan ay isang sakit, di ka magpatingin?
O kaya magkulong ka sa kwarto kasama ang forcefield mo, at mukha mo iyong i-quarantine.

Malaki ang tsansa mo makopo ang Least Desirable Woman, pusta ko
At kung may award para sa pinaka kupal na babae sa buong mundo landslide victory ang panalo mo sigurado.

Ginagalang ko ang mga babae
Nanay ko, si Ate
Mga kamag anak at kaibigan
Pati syempre si Mama Mary.
Pero kung bastusan din lang di kita uurungan
Pumapatol ako sa babae, ok lang mukhang lalake ka naman
Di porke’t keps ang nakahambalang sa legs mong saliwa
Mababahag ang bayag ko’t hahayaan ka lang mag feeling maganda.

Puta ka, at my expense? No way!
Kung gusto mo ng ipapahiyang tao
Siguraduhin mo na may karapatan ka at may say.

Hindi porke’t babae ka pwede kang manghamak ng lalake dahil wala ka sa mood, o may dalaw ka ngayon
Kung regla problema mo pasakan mo yan ng higanteng tapon

Wag mo akong tingnan ng masama dahil hindi kita tsina-tsansingan
kung totoong dumampi ang balat ko sa yo, dapat ako pa ang iyong bayaran
Dahil sa pangit mong mukha at obviously pangit na ugali
maswerte ka pa at naka experience ka pa ng touch mula sa isang lalaki

Nagra-rant lang ako, I will not wish you ill
Nabadtrip sa pagfi-feeling mo, but I wont stoop down to your level
Pero kung masama itong pagngingitngit ko, sorry tao lang.
Pero kung ikaw yung anghel, sige ako na lang yun demonyo, timang!

Saan ba kita nahawakan? Sige gumanti ka
On second thought, sige maghabla ka na lang o magdemanda
Kasi pag hinawakan mo ko, baka mahawa pa ako
Ng sakit mo na kasing yucky ng tulo.

Ang babae, minamahal, ginagalang at nirerespeto
naniniwala ako dun
Pero sa asal mo tama nga ang sinabi ng Paramore sa kanilang song na
You are the only exception.